Pormal nang pumasok sa Philippine National Police (PNP) ang mahigit 7,000 mga bagong recruit sa ilalim ng Calendar Year 2026 Regular at Attrition Recruitment Program.
Sa Camp Crame, mahigit 900 bagong patrolmen at patrolwomen ang nanumpa at itatalaga sa mga National Support Unit na nagbibigay ng specialized support sa police operations.
Habang tinanggap naman sa iba-ibang Police Regional Offices ang mahigit 6,000 bagong recruits.
Ayon kay PNP Chief PGEN. Jose Melencio Nartatez Jr., bahagi ito ng patuloy na pagpapalakas ng personnel complement ng police organization.
Samantala, tiniyak din ni Nartatez na dumaan sa itinakdang recruitment process ang mga bagong pulis para maiwasan ang favoritism at pagbebenta ng recruitment slots.
ADVERTISEMENT
“We are making sure that ‘yung nare-recruit natin ay have undergone the process ng maayos. The program was faceless, contactless and nameless such that maiwasan natin ‘yung pagkakakilanlan at maiwasan natin ‘yung mapapaboran doon sa pag-recruit,” ayon kay Nartatez.
Kasunod ito ng pagkakaaresto sa dalawang aktibong pulis na umano’y sangkot sa “slot for sale” scheme.

