Balitang A2Z

LTFRB, irerekomendang itaas sa P20 per liter ang fuel subsidy para sa jeepney at UV Express drivers

Irerekomenda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Department of Transportation (DOTr) na itaas sa P20 bawat litro ang fuel subsidy para sa mga jeepney at UV Express…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Irerekomenda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Department of Transportation (DOTr) na itaas sa P20 bawat litro ang fuel subsidy para sa mga jeepney at UV Express driver.

Ayon kay LTFRB Acting Chairperson Greg Pua, mula ito sa kasalukuyang P12 kada litro na discount, na ipinatupad noong Agosto para tulungan ang public transport sector sa gitna ng mas mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Aniya, may natitira pang pondo mula sa orihinal na subsidy budget na posibleng gamitin para palakihin ang tulong sa mga driver.

Pero maaari rin silang humiling ng karagdagang budget sa pamamagitan ng DOTr para mapalawig ang programa hanggang sa huling bahagi ng 2026.

ADVERTISEMENT

“Malaking bawas sa gastusin ng ating mga PUJ and UV Express drivers kung maitataas natin ang fuel discounts na ang bawas na ito ay pwede nilang magamit sa pangkain at panggastos ng kanilang pamilya. Nag-request na kami ng additional budget para punuin itong September and then October, baka lumagpas pa siya ng November kasi remember ang fuel discount natin ay weekdays lang naman,” ayon kay Pua.

Gayunman, nilinaw ni Pua na weekdays lamang ipinatutupad ang fuel discount program.

What do you feel about this article?