Balitang A2Z

Lahat ng senador dapat kasama sa pagtukoy ng two-thirds threshold — Azcuna

Humarap na sa impeachment court ang mga dating mahistrado ng Korte Suprema na inimbitahan para magbigay ng ligal na opinyon sa conviction threshold o bilang ng boto para ma-convict o…

Ace Cruz · · Updated · 1 min read

Photo of Retired Justice Adolfo Azcuna (left), former Chief Justice Artemio Panganiban (center), and former Chief Justice Reynato Puno (right)

Humarap na sa impeachment court ang mga dating mahistrado ng Korte Suprema na inimbitahan para magbigay ng ligal na opinyon sa conviction threshold o bilang ng boto para ma-convict o ma-acquit ang nasasakdal.

Iginiit ng ilang dating Chief Justice na hindi dapat isama sa bilang ang mga senator-judge na absent sa trial gaya ng mga may kinakaharap na kaso, warrant of arrest o kaya’y may sakit.

Pero ayon naman sa isang mahistrado, dapat itaguyod ang nakasaad sa Konstitusyon.

What do you feel about this article?