Balitang A2Z

Finneas at iba pang artists, nag-exit sa Ed Sheeran tour bilang suporta kay Macklemore

Nag-exit sa Loop Tour ni British singer and composer na si Ed Sheeran ang ilang artists bilang pakikiisa kay rapper Macklemore, na tinanggal bilang supporting act matapos ang kanyang pro-Palestinian…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of British singer and composer Ed Sheeran

Nag-exit sa Loop Tour ni British singer and composer na si Ed Sheeran ang ilang artists bilang pakikiisa kay rapper Macklemore, na tinanggal bilang supporting act matapos ang kanyang pro-Palestinian remarks sa isang concert.

Habang nagpe-perform kasi sa MetLife Stadium sa New Jersey, nanawagan si Macklemore ng “Free Palestine” at sinabing hindi nakakalimutan ang mga Palestinian.

Habang nilinaw naman ni Ed Sheeran na hindi siya ang nagdesisyong tanggalin si Macklemore, kundi mula sa tour promoter at ilang venue operator, na umano’y nagbabala na hindi itutuloy ang mga show kung mananatili si Macklemore sa lineup.

Matapos nito, inanunsyo ni Finneas na hindi na rin siya tutuloy at iginiit na hindi dapat patahimikin ang mga artist na nagsasalita para sa mga inaapi.

Umalis din sa tour ang Irish artists na sina Aaron Rowe at Beoga, pati ang Danish act na Lukas Graham.

ADVERTISEMENT

Pero giit ni Ed Sheeran, may sarili siyang pananaw sa digmaan sa Gaza, pero hindi niya aniyang ginagawang political forum at pinag-uusapan ang mga ito sa kanyang mga concert.

Umani naman ito ng samu’t saring reaksyon sa netizens.

What do you feel about this article?