Balitang A2Z

ERC, humingi ng gabay sa BIR sa pagtanggal ng VAT sa system loss charge

Humihingi ng gabay ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung paano ipatutupad ang pagtanggal ng value-added tax (VAT) sa system loss charge sa electricity bills.…

BALITANG A2Z · · Updated · 2 min read

Humihingi ng gabay ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung paano ipatutupad ang pagtanggal ng value-added tax (VAT) sa system loss charge sa electricity bills.

Ayon kay ERC Chairman Francis Saturnino Juan, hindi simpleng tatanggalin lang ang VAT sa system loss dahil dumadaan muna ang kuryente mula sa generators papunta sa transmission at distribution utilities bago makarating sa mga consumer.

Target ng ERC na ang kuryenteng iko-konsumo simula Oktubre ay hindi na patawan ng VAT sa bahagi nitong system loss charge.

“Ang gusto nating mangyari, i-implementa na natin tapos idedeklara na natin na yung isu-supply ng mga generators na kuryente sa ating mga utilities sa susunod na buwan at ito ang ating iko-konsumo, yung system loss charge na bahagi nito ay hindi na masasamahan ng VAT,” pahayag ni Juan.

Pero dahil karaniwang isang buwan ang pagitan ng actual consumption at paglabas ng bill, posibleng sa November billing pa makita ng mga consumer ang epekto ng pagbabago.

ADVERTISEMENT

Samantala, sa gitna ng mga isyu sa power sector, nanawagan ang Power for People Coalition para sa pagbibitiw ni Energy Secretary Sharon Garin.

“Si Secretary Garin ang numero unong inutil sa power sector. Anim na buwan, walang naresolba kung hindi labis-labis na dire-diretsong pagdurusa,” ayon kay Gerry Arances, Convenor, Power for People Coalition.

Inakusahan ng grupo ang Marcos administration na hindi umano sapat ang nagagawa para protektahan ang mga consumer sa gitna ng mga problema sa supply at presyo ng kuryente.

What do you feel about this article?