Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon laban sa online scams at iba pang cybercrimes matapos ipakita ng bagong Social Weather Stations (SWS) survey na tumaas sa record high ang cybercrime victimization sa mga pamilyang Pilipino.
Ayon sa SWS survey na isinagawa noong June 20 hanggang 29, walong porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing may miyembro silang nabiktima ng cybercrime sa nakalipas na anim na buwan.
Mas mataas ito sa 5.8 percent noong Marso at pinakamatataas mula nang simulan ng SWS ang pag-monitor sa cybercrime noong 2023.
Saklaw ng survey ang mga kasong online scam, account hacking at cyberbullying.
Ayon kay PNP Chief PGEN. Jose Melencio Nartatez Jr., iva-validate ng Anti-Cybercrime Group at mga Regional Police Unit ang mga report, lalo na ang posibleng operasyon ng mga organized scamming hub, lalo’t iba ang lumalabas sa kasalukuyang PNP data.
ADVERTISEMENT
“We will look into that if really these cybercrime cases have increased. For our data, it says otherwise. But we are continuously doing that, checking on it, especially if there is a semblance of scamming hubs and the like. Ito ‘yung nag-increase before its existence but now bumababa. It is evidenced by the different arrests and operations that we have done,” ani Nartatez.
Tumaas ang cybercrime victimization sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, habang bahagyang bumaba naman sa Luzon.

