Humigit kumulang dalawang taon bago matapos ang termino ni Secretary Vince Dizon bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nanawagan ang ahensya na pinagtibay ang ‘Bisto Proyekto’ nito para hindi na maulit pa ang korapsyong bumaha sa maraming lugar sa bansa.
Sa ilalim ng inisyatibong ito, kasama ang taumbayan sa pagbabantay ng mga proyektong bilyon-bilyong piso ang pondo.
Kasunod ito ng pagkasiwalat sa trilyong pisong anomalya sa flood control projects sa bansa, na kinasangkutan pa ng mga matataas na opisyal ng bansa.
“Sana po tuloy-tuloy na. But in order to do that, I think the change needs to be significant kasi kung token lang ito eh balewala ‘to. In 2 years, 3 years, wala na naman ‘to. Balik sa dati,” ayon kay Dizon.
May ilang “big fish” na ang nakulong kaugnay nito, kabilang na riyan ang dating House Speaker at pinsan ng Pangulo na si Martin Romualdez.
ADVERTISEMENT
Panawagan din ang proyektong ito para sa mas aktibo pang partisipasyon ng publiko sa pagmo-monitor kung saan napupunta ang pondo ng bayan.
Kaugnay niyan, iminumungkahi rin ng ibang stakeholders ang paglulunsad ng ‘BantayKaso.com,’ para naman bantayan ang mga kasong isasampa at mga nakasuhan na para sa pananagutan.

