Hinainan ng subpoena si Senator Robinhood Padilla para humarap sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng reklamong obstruction of justice laban sa kanya.
Kaugnay ito ng preliminary investigation sa umano’y pagtulong ni Padilla kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na makatakas mula sa Senate compound noong Mayo.
Batay sa kopya ng subpoena na ibinahagi ng senador, iniutos ng DOJ na humarap si Padilla sa mga prosecutor at magsumite ng counter-affidavit sa September 25 at October 9.
Kaugnay ang reklamo ng umano’y paglabag sa Section 1 ng Presidential Decree No. 18-29 o batas laban sa obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders.
ADVERTISEMENT
Habang nasa preliminary investigation pa ang reklamo at wala pang desisyon ang DOJ kung may sapat na batayan para magsampa ng pormal na kaso laban kay Padilla.

