Balitang A2Z

PBBM, tiniyak na ipagpapatuloy ang socialized housing program para mabawasan ang housing backlog

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang socialized housing program para mabawasan ang kakulangan sa pabahay sa bansa. Sa ceremonial turnover ng 333 housing units…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of President Ferdinand Marcos Jr.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang socialized housing program para mabawasan ang kakulangan sa pabahay sa bansa.

Sa ceremonial turnover ng 333 housing units sa Disiplina Village, Arkong Bato sa Valenzuela City nitong Martes, binigyang-diin ni Marcos ang koordinasyon ng national government, local government at private sector sa pagpapatupad ng mga proyektong pabahay.

“Ito ay pinagsamahan, pinagkaisahan ng national government at local government para mabuo ito at makita naman ninyo kapag lahat ay sabay-sabay na ginagawa ang trabaho ng pamahalaan ay nakikita natin maraming magagandang magiging resulta,” ayon kay Marcos.

Pinuri rin niya ang Valenzuela City sa maagang pagpapatupad ng housing program, na aniya ay maaaring ring gawing modelo sa iba pang lugar sa bansa.

ADVERTISEMENT

Nasasailalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) program ang Disiplina Village Arkong Bato, na pinangungunahan ng National Housing Authority (NHA) sa ilalim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ito ang ikaapat na in-city relocation project ng Valenzuela para sa mga pamilyang nasunugan at informal settler families na dating nakatira sa mga delikadong lugar, kabilang ang malalapit sa Tullahan River, iba pang waterways at transmission lines.

What do you feel about this article?