Balitang A2Z

Justin Bieber, nagbahagi ng sweet photos kasama si Hailey sa kanilang ika-8 anniversary

Ipinagdiwang nina Justin Bieber at Hailey Bieber ang kanilang ika-walong anibersaryo bilang mag-asawa. Nagbahagi ang pop star sa Instagram ng ilang larawan nila ni Hailey bilang pagdiriwang sa kanilang wedding…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Justin Bieber and Hailey Bieber

Ipinagdiwang nina Justin Bieber at Hailey Bieber ang kanilang ika-walong anibersaryo bilang mag-asawa.

Nagbahagi ang pop star sa Instagram ng ilang larawan nila ni Hailey bilang pagdiriwang sa kanilang wedding anniversary, kasabay ng mensaheng “8 years until infinity.”

Makikita sa mga litrato ang ilang sweet moments ng mag-asawa, habang sabay nilang minamarkahan ang isa na namang milestone sa kanilang relasyon, tanda ng kanilang pagmamahalan at pangakong magkasama habambuhay.

Magugunitang ikinasal sina Justin at Hailey noong September 13, 2018 sa New York City Courthouse.

What do you feel about this article?