Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla nitong Martes na dineny na ang asylum application ni dating Palace spokesperson Harry Roque sa The Netherlands.
Ayon kay Remulla, hindi pinagbigyan ang hiling ni Roque na mabigyan ng asylum sa nasabing bansa.
“By the way, tapos na ‘yung asylum, na-deny ‘yung asylum ni Harry Roque. Tapos na ‘yung five months. Kung may red notice na, kukunin ko siya,” saad ni Remulla.
Una nang iginiit ni Roque na nakararanas umano siya ng political persecution sa Pilipinas, na ginamit niyang pangunahing batayan sa kanyang asylum application.
ADVERTISEMENT
Wala pang detalyeng inilalabas tungkol sa batayan ng pagdeny sa application.

