Kinilig ang fans matapos magsama sa isang dance video ang tatlong aktres na gumanap bilang Dyesebel, na sina Alice Dixson, Anne Curtis, at Marian Rivera.
Ibinahagi ni Alice sa social media ang video, kung saan sumayaw sila sa hit song na “Ohh Lala Baby” ng It’s Showtime girl group na Baby Dolls.
Tinawag naman ni Anne si Alice bilang “OG” Dyesebel at sinabing nag-enjoy siya sa pagsasama nila nina Alice at Marian.
Nagsama-sama ang tatlong aktres sa Century Tuna Superbods 2026, kung saan kabilang sila sa panel of judges.
ADVERTISEMENT
Bukod sa kanilang Dyesebel connection, pare-pareho rin nilang binigyang-diin ang kahalagahan ng health, fitness at consistency.
Umani naman ng papuri sa fans ang tatlo, na ramdam ang pagiging Dyesebel in spirit, along with healthy body!

