Uncategorized

41 hindi pa nakikilalang biktima ng M/V June Aster fire, pansamantalang inilibing habang hinihintay ang DNA results

Pansamantalang inilibing na sa San Nicolas Public Cemetery sa Coron, Palawan ang 41 hindi pa nakikilalang biktima matapos ang sunog sa M/V June Aster. Wala munang pangalan ang mga labi…

BALITANG A2Z · · Updated · 2 min read

Photo of the temporary burial site for the 41 unidentified victims of the M/V June Aster fire at San Nicolas Public Cemetery in Coron, Palawan

Pansamantalang inilibing na sa San Nicolas Public Cemetery sa Coron, Palawan ang 41 hindi pa nakikilalang biktima matapos ang sunog sa M/V June Aster.

Wala munang pangalan ang mga labi sa libingan, habang hinihintay ng mga otoridad ang resulta ng DNA testing.

Mula sa Borac Port, kung saan kinukuhanan ng DNA samples ang mga labi, inihahatid ang mga ito sa sementeryo sa mga funeral van na may police escort.

Inilalagay ang mga labi sa simpleng puting kabaong, bago isa-isang ilibing sa magkakatabing hukay.

Wala munang seremonya, bulaklak o kandila, at wala ring mga kamag-anak sa lugar, habang hindi pa kumpirmado ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Ayon kay PLTCOL. Richard Mangalip ng MIMAROPA Regional Forensic Unit, posibleng abutin ng ilang linggo hanggang ilang buwan bago lumabas ang ilang DNA results.

ADVERTISEMENT

“As to the DNA samples, pag-makolekta natin from the cadaver itself, it will be stored in our laboratory in Camp Crame and pending for the comparison kung may mga claimants because right now we’re still collecting pieces of evidence or samples from the claimants of the victims since not all claimants are not all residents of Coron,” pahayag ni Mangalip.

Habang may mga pamilya ring naghihintay mula sa El Nido at iba pang lugar sa labas ng Palawan, kaya patuloy pa ang pagkolekta ng reference samples.

Umakyat na sa 76 ang kumpirmadong nasawi sa trahedya, habang patuloy pa rin ang paghahanap sa mga nawawala at imbestigasyon sa sanhi ng sunog.

What do you feel about this article?