Balitang A2Z

129 nawawala matapos tumaob ang ferry sa Java Sea; Indonesia, pinalawak na ang search operations

Pinaiigting na ng Indonesia ang search and rescue operations para sa 129 indibidwal na nawawala matapos tumaob ang passenger ferry na Virgo Transport 8 sa Java Sea nitong Linggo. Ayon…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of the passenger ferry Virgo Transport 8 that capsized in the Java Sea

Pinaiigting na ng Indonesia ang search and rescue operations para sa 129 indibidwal na nawawala matapos tumaob ang passenger ferry na Virgo Transport 8 sa Java Sea nitong Linggo.

Ayon sa National Search and Rescue Agency ng Indonesia, nasagip na ang nasa 108, habang narecover naman na ang anim na bangkay.

Umabot sa mahigit 60 tauhan ang kabilang sa operasyon sa Lunes, kasama ang 17 barko at mga aircraft mula sa militar, pulisya at iba pang ahensiya.

Ayon sa mga otoridad, naglabas ng distress call ang kapitan ng ferry matapos magsimulang tumagilid ang barko sa gitna ng maalon na dagat.

Mula Surabaya, East Java patungong South Kalimantan, na may alon na umaabot sa tatlong metro.

ADVERTISEMENT

Makalipas ang humigit-kumulang dalawang oras, nakumpirmang tumaob ang barko, na may sakay na mahigit 200 indibidwal.

Ito na ang ikatlong malaking ferry accident sa Asia-Pacific sa loob ng wala pang isang linggo, kasunod ng M/V June Aster fire sa Palawan sa Pilipinas noong September 9 at paglubog ng isa pang ferry malapit sa Vanuatu noong 11.

What do you feel about this article?