Balitang A2Z

Vienne Luna at Austin Dizon, tinanghal na grand winners ng Century Tuna Superbods 2026

Tinanghal na grand winners ng Century Tuna Superbods 2026 sina Vienne Luna at Austin Dizon sa “Superbod Era” Finals Night na ginanap sa Solaire Resort North sa Quezon City nitong…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Photo of the Century Tuna Superbods 2026 competition and winners at Solaire Resort North in Quezon City

Tinanghal na grand winners ng Century Tuna Superbods 2026 sina Vienne Luna at Austin Dizon sa “Superbod Era” Finals Night na ginanap sa Solaire Resort North sa Quezon City nitong Biyernes.

Bukod sa kanilang impressive physiques, kapwa may ipinaglalabang adbokasiya sina Vienne at Austin na nagpa-standout sa dalawa.

Isinusulong ni Luna ang “Health, Empowerment at Resilience,” habang nakatuon naman ang advocacy ni Dizon sa accessible nutrition.

Ipinagdiriwang din ngayong taon ang 20th anniversary ng Century Tuna Superbods.

ADVERTISEMENT

Sa loob ng dalawang dekada, layunin ng kompetisyon na hikayatin ang mga Pilipino at maging inspirasyon para yakapin ang active at healthy lifestyle.

What do you feel about this article?