Balitang A2Z

Pope Leo XIV, ipinagdiwang ang ika-71 kaarawan habang binigyang-diin ang panawagan para sa kapayapaan

Ipinagdiwang ni Pope Leo XIV nitong Lunes ang kanyang ika-71 kaarawan, kasabay ng sunud-sunod na pagbati sa Vatican ng mga Katoliko mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Kabilang sa…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of Pope Leo XIV

Ipinagdiwang ni Pope Leo XIV nitong Lunes ang kanyang ika-71 kaarawan, kasabay ng sunud-sunod na pagbati sa Vatican ng mga Katoliko mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kabilang sa nagpaabot ng pagbati ang Italian Bishops’ Conference, na nagpasalamat sa Santo Papa para sa kanyang paglilingkod at pagbibigay-diin sa Ebanghelyo, pananampalataya at mas aktibong pakikilahok ng mga komunidad.

Isa sa pinakamalaking tema ng unang taon ng kanyang pontificate ang kapayapaan at pagkakasundo.

Sa kanyang unang apostolic journey, matandaang bumisita siya sa Türkiye at Lebanon, kung saan tinalakay ang Christian unity, dialogue at peace.

Naging kauna-unahang Papa rin siyang bumisita sa Monaco at Algeria, at unang pontiff na nagsalita sa Spanish Parliament.

ADVERTISEMENT

Noong January 6, isinara niya ang Jubilee Year 2025 sa pamamagitan ng pagsasara ng Holy Door ng St. Peter’s Basilica.

Ipinanganak si Pope Leo XIV sa Chicago, USA noong September 14, 1955.

At sa pagpasok ng kanyang ika-71 taon, nananatiling sentro ng kanyang pontificate ang kapayapaan, pagkakaisa at pagtatanggol sa dignidad ng tao.

What do you feel about this article?