Balitang A2Z

PBBM, tinawag na tagumpay ang paglahok ng Pilipinas sa 18th BRICS Summit sa India

Tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matagumpay ang paglahok ng Pilipinas sa 18th BRICS Summit sa New Delhi, India, kung saan tinalakay ang trade, infrastructure, digital technology at mas…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of President Ferdinand Marcos Jr. at the 18th BRICS Summit in India

Tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matagumpay ang paglahok ng Pilipinas sa 18th BRICS Summit sa New Delhi, India, kung saan tinalakay ang trade, infrastructure, digital technology at mas malaking papel ng ASEAN sa global economic dialogue.

Nagpasalamat si Marcos kay Indian Prime Minister Narendra Modi at sa India sa pagho-host ng dalawang araw na summit.

“We have successfully concluded our participation in the 18th BRICS Summit here in New Delhi. I wish to convey once more my deepest appreciation to Prime Minister Narendra Modi and the government and people of India for their warm hospitality and the excellent arrangement extended to myself and my delegation,” ayon kay Marcos.

Pangunahing layunin ng pagdalo ng Pilipinas ang katawanin ang ASEAN bilang 2026 chair at palalimin pa ang strategic partnership ng Maynila at New Delhi.

ADVERTISEMENT

Aniya, patunay umano sa lumalaking impluwensiya ng regional bloc sa mga pandaigdigang usaping pang-ekonomiya ang pagkakaroon ng puwesto ng ASEAN sa BRICS Summit.

Sa kanyang pakikipagpulong kay Modi, tinalakay din ang progreso ng Philippines-India Strategic Partnership at ang Five-Year Plan of Action mula 2025 hanggang 2029.

What do you feel about this article?