Balitang A2Z

Otoridad, nasa 5 pa lang ang natutukoy sa 76 nasawi sa M/V June Aster fire sa Palawan

Nasa lima pa lamang sa 76 na kumpirmadong nasawi sa sunog sa M/V June Aster ang natutukoy ng mga otoridad, habang patuloy ang forensic identification sa Coron, Palawan. Ayon sa…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Nasa lima pa lamang sa 76 na kumpirmadong nasawi sa sunog sa M/V June Aster ang natutukoy ng mga otoridad, habang patuloy ang forensic identification sa Coron, Palawan.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory, halos ganap nang nasunog ang labi ng natitirang 71 biktima, kaya mas mahirap ang pagkilala sa kanila.

Kumukuha ng molar teeth ang PNP Forensics Unit dahil posible pa itong pagkuhanan ng DNA samples para sa identification, habang humiling ang PNP ng karagdagang specialist mula sa National Headquarters dahil isang forensic odontologist lamang ang unang naka-assign sa proseso.

Tumutulong na rin ang ilang volunteer dentist.

ADVERTISEMENT

Inatasan naman ni Cabinet Secretary Benhur Abalos si PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez na magbigay ng dagdag na tauhan, pondo at logistical support at mabigyan ang lahat ng kailangang tulong sa mga pamilya ng mga biktima.

Nasunog ang M/V June Aster noong gabi ng September 9, habang nasa karagatan malapit sa Barangay Turda, Coron.

What do you feel about this article?