Balitang A2Z

Anne Curtis, proud wife kay Erwan Heussaff sa GQ Philippines cover

Proud wife ang actress-host na si Anne Curtis matapos mapabilang ang asawang si Erwan Heussaff sa mga cover star ng kauna-unahang issue ng GQ Philippines. Kasama ni Erwan sa maiden…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of actress-host Anne Curtis and her husband, content creator and entrepreneur Erwan Heussaff

Proud wife ang actress-host na si Anne Curtis matapos mapabilang ang asawang si Erwan Heussaff sa mga cover star ng kauna-unahang issue ng GQ Philippines.

Kasama ni Erwan sa maiden issue sina American actor and singer Darren Criss at NBA player Jordan Clarkson.

Sa Facebook post nitong Lunes, isinulat ni Anne ang mensaheng “Always proud of you” para sa kanyang asawa.

Binati rin ng aktres ang buong GQ Philippines team para sa paglulunsad ng bagong publication.

ADVERTISEMENT

Bukod sa pagiging content creator at entrepreneur, kilala rin si Erwan sa kanyang mga proyekto tungkol sa Filipino food at culture.

What do you feel about this article?