Balitang A2Z

Alex Eala, rumampa sa Calvin Klein show sa New York Fashion Week

Mula tennis court, napunta naman sa New York Fashion Week si Filipina tennis star Alex Eala. Ibinahagi ni Eala nitong Linggo ang mga litrato mula sa kanyang pagdalo sa Calvin…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Filipina tennis star Alex Eala at New York Fashion Week

Mula tennis court, napunta naman sa New York Fashion Week si Filipina tennis star Alex Eala.

Ibinahagi ni Eala nitong Linggo ang mga litrato mula sa kanyang pagdalo sa Calvin Klein Spring 2027 runway show nitong Biyernes sa Terminal Warehouse sa New York City.

Kapansin-pansin ang tennis ace sa kanyang all-white ensemble habang nakaupo sa front row ng fashion show.

“This is my first New York Fashion Week. I feel like I’m getting pretty authentic experience, so brushing around the traffic and fitting gym as well, so I’m really excited. I’ve been nervous, but in a very good way,” ayon kay Eala.

ADVERTISEMENT

Nakasama ni Eala sa event ang ilang international stars, kabilang sina Sadie Sink, Pamela Anderson, Gemma Chan at Tate McRae.

Sa gitna ng kanyang abalang tennis season, muling ipinakita ni Eala ang kanyang presensiya sa labas ng court, ngayon naman sa isa sa pinakamalaking fashion events sa mundo.

What do you feel about this article?