Balitang A2Z

35 sasakyan, natiketan, 10 hinatak sa clearing operation sa Brgy. Bangkal, Makati City

Kasunod ng nag-viral na video kung saan nahirapang makadaan ang isang fire truck dahil sa mga naka-double park sa General F. Macabulos Street noong Sabado, nagsagawa ng clearing operation ang…

Billy Torres · · Updated · 2 min read

Photo of the clearing operation conducted by the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and the Public Safety Department (PSD) of Makati City

Kasunod ng nag-viral na video kung saan nahirapang makadaan ang isang fire truck dahil sa mga naka-double park sa General F. Macabulos Street noong Sabado, nagsagawa ng clearing operation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Public Safety Department (PSD) ng Makati City nitong Lunes sa mga kalsada sa Barangay Bangkal sa lungsod.

Agad na inisyuhan ng traffic citation ticket ang mga may-ari at driver ng mga sasakyang naka-park sa bawal na lugar.

Hinatak naman ng tow truck ang mga sasakyang walang driver o hindi agad mailipat.

Ayon sa Makati PSD, aabot sa mahigit 30 sasakyan ang natiketan, habang nasa 10 naman ang nahatak sa maghapong operasyon.

Sinita rin ang mga residenteng nagre-reserve ng parking space sa kalsada gamit ang mga harang tulad ng paso.

ADVERTISEMENT

“Kung wala man po tayong makuhang maayos na parking po ay umarkila po tayo. O kaya po bago tayo bumili ng sasakyan, mas maganda po na isaalang-alang po natin na meron tayong paparkingan,” ayon kay Joshua John Salazar, Chief, MMDA TDO-Traffic Enforcement Division South Sector.

Pinapayagan sa barangay ordinance ang street parking sa Bangkal, pero sa mga lugar lamang na may yellow markings, habang mahigpit na bawal ang double parking.

Nilinaw naman ng MMDA na regular na nilang isinasagawa ang clearing operations sa lugar, bago pa man ang nag-viral na insidente.

What do you feel about this article?