Balitang A2Z

3 patay, 18 sugatan sa karahasan sa halalan sa Cotabato City; syudad, isinailalim sa COMELEC control

Sumiklab ang karahasan sa ilang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kasabay ng makasaysayang Bangsamoro Parliamentary Elections nitong Lunes. Sa Cotabato, tatlo ang patay, 15 ang sugatan…

Barbie Muhlach · · Updated · 1 min read

Photo of Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin M. Garcia

Sumiklab ang karahasan sa ilang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kasabay ng makasaysayang Bangsamoro Parliamentary Elections nitong Lunes.

Sa Cotabato, tatlo ang patay, 15 ang sugatan bago pa man magbukas ang halalan.

Habang sa Maguindanao del Sur, nabalot ng tensyon ang labas ng isang voting precinct, kung saan tuluy-tuloy ang naging putok ng baril mula sa isang armadong grupo.

Sa kabila nito, sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) at Philippine National Police (PNP) na ito na ang pinakamapayapang halalan sa rehiyon.

What do you feel about this article?