Humingi ng paliwanag ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon tungkol sa panibagong wage order na nagtaas ng P60 sa minimum wage sa NCR—ang parehong halaga sa unang tranche ng naunang order na tinututulan ng dalawang contractor sa korte.
Sa isang pahayag ng TUCP, dapat anilang linawin ng DOLE kung ang Wage Order NCR-28 ba ay layong palitan ang Wage Order No. NCR-27 na ipinag-utos ang unti-unting P85 increase.
Kung ang bagong wage order anila’y pansamantala lang, dapat itong malinaw at tahasang banggitin ng DOLE, pati na tiyaking hindi nito pahihinain ang karapatan ng mga manggagawa sa ilalim ng Wage Order 27.
Tinanong din ng labor group ang bisa ng naunang order sa mga hindi bayad na increase noong July.
ADVERTISEMENT
Iginigiit ng iba’t ibang grupo ng manggagawa na ang wage order na napigilan sa korte ay dapat na pag-usapan sa National Wages and Productivity Commission. (Denniel Salayo/News Light)

