Good NewsLatest News

Pinoy barista, wagi sa isang coffee barista championship sa UAE

Sa 48 na registered baristas na lumahok sa Refill Battle of Baristas Championship Season 2, nagwagi ang Pinoy na si Harmon Nataya.

Carlene Latuna · · 1 min read

Isang Pinoy barista ang itinanghal na kampeon sa isang barista championship sa United Arab Emirates.

Sa 48 na registered baristas na lumahok sa Refill Battle of Baristas Championship Season 2, nagwagi ang Pinoy na si Harmon Nataya.

Bukod kay Nataya, nakamit rin ng isa pang Pinoy na si Lablibell Bajarias ang ikatlong puwesto sa kompetisyon.

Nanguna si Nataya sa grand finale kung saan pinagagawa sila ng isang orihinal na signature beverage gamit ang Refill Ace Blend Competition Beans.

ADVERTISEMENT

Noong 2025, ang Pinoy barista rin na si Kiah Parangue ang nagwagi sa kompetisyon.

Kaya pagbati para sa ating kababayan na nagwagi at nakilala para sa kanilang husay bilang barista.

What do you feel about this article?