SportsLatest News

Pamilya ni late Ateneo player Divine Adili, bumisita sa Pilipinas

Ayon sa opisyal na pahayag ng Ateneo de Manila University, makakasama ng pamilya Adili ang Ateneo men's basketball team.

Newslight · · 1 min read

Dumating na sa Maynila ang mag-asawang Adili, ang mga magulang ng pumanaw na Ateneo men’s basketball player na si Divine Adili, para sa kanilang kauna-unahang pagbisita sa Pilipinas.

Ayon sa opisyal na pahayag ng Ateneo de Manila University, makakasama ng pamilya Adili ang Ateneo men’s basketball team.

Nakatakdang manood ang mga magulang ni Adili sa unang dalawang laro ng Blue Eagles sa UAAP Season 89.

Iniaalay ng koponan ang buong Season 89 sa memorya nina Divine Adili at Rene Baterbonia.

ADVERTISEMENT

Matatandaan na nawalan ng buhay sina Divine Adili at Rene Baterbonia sa isang insidente ng pagkalunod noong Hunyo 2026 sa Dipaculao, Aurora habang nasa isang team-building activity.

Hinihiling ng Ateneo sa publiko na salubungin ang pamilya Adili nang may init, pagkalinga, at respeto, habang iginagalang din ang kanilang pribadong espasyo sa gitna ng kanilang pagdadalamhati. (Benedict Quejado/News Light)

What do you feel about this article?