Pinagpapaliwanag ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) ang isang kandidato sa parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kasunod ‘yan ng isang social media post na may paratang ng vote buying laban kay Atty. Sheriff Abas na kumakandidato sa 1st District ng Cotabato City.
Sa naturang post, ipinakita ang isang sample ballot na may pangalan ni Abas at tatlong libong piso.
Kontrobersyal ang paratang kay Abas lalo’t nagsilbi siyang chairman ng Committee on Kontra Bigay ng COMELEC mula 2017 hanggang 2022.
Kung mapapatunayang may nangyaring vote buying, haharap si Abas sa paglabag sa Section 261 ng Omnibus Election Code.
ADVERTISEMENT
Naglabas naman ng sariling Facebook post si Abas at itinanggi ang paratang ng vote buying.
Ayon sa kandidato, fake news at paninira sa halalan ang paratang laban sa kanya.

