RegionalLatest News

₱200-thousand, ipinamahagi sa bawat barangay sa Laguna

Namigay ng ayuda sa lahat ng barangay sa Laguna ang pamahalaan na umabot sa ₱136.2 milyon para sa 681 barangay.

Newslight · · 1 min read

Namigay ng ayuda sa lahat ng barangay sa Laguna ang pamahalaan na umabot sa ₱136.2 milyon para sa 681 barangay.

Ito’y sa ilalim ng programang “Bawat Barangay Makikinabang.”

Nakatanggap ang bawat barangay ng ₱200,000 sa Laguna para sa mga proyektong pangkomunidad, livelihood at iba pang pangangailangan ng mga residente.

Pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang pamamahagi ng tulong sa Laguna Sports Complex sa Barangay Bubukal, Santa Cruz, nitong Biyernes, Setyembre 11.

ADVERTISEMENT

Layon din ng programa na magkaroon ng limang presidential scholars sa bawat barangay, kasama ang mga benepisyo para sa PWD, solo parents at iba pang sektor.

Samantala, ipinakita rin ang 30 bagong ambulansya na nakatakdang magsimulang mag-serbisyo sa Ikaapat na Distrito ng Laguna. (Kevin Pamatmat/News Light)

What do you feel about this article?