Iginiit ni Vice President Sara Duterte nitong Biyernes na ang 1987 Constitution ang dapat sundin sa pagtukoy ng bilang ng botong kailangan para sa kanyang conviction sa impeachment trial.
Ginawa ni VP Sara ang pahayag matapos sabihin ni Impeachment Court Presiding Officer Senator Francis “Chiz” Escudero na kukuha ang Senado ng opinyon mula sa mga amici curiae o friends of the court tungkol sa conviction threshold.
Lumitaw ang usapin matapos kuwestiyunin ni Senator-Judge Erwin Tulfo kung dapat payagang bumoto ang mga senador na hindi nakadalo sa mga proceeding.
Sa ilalim ng Konstitusyon, kailangan ang concurrence ng two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado para ma-convict ang isang impeached official.
ADVERTISEMENT
Sa 24-member Senate, katumbas ito ng 16 na boto.

