Kinumpirma ng Ombudsman nitong Biyernes na naghain na ng kanilang counter-affidavit sina Senator Loren Legarda at kanyang anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste, kaugnay ng plunder complaint laban sa kanila.
Ito’y matapos imbestigahan ang mag-ina, kaugnay ng umano’y mahigit sampung bilyong pisong incomplete solar energy projects.
Ikokonsidera pa rin ito ng Ombudsman kahit nahuli sa pagsumite, bilang bahagi ng due process.
Pag-aaralan umano ng kanilang tanggapan ang mga sagot nina Legarda at Leviste sa reklamo.
Gayunpaman, posibleng kailangan pa nilang magtanong sa dalawa habang pinoproseso ang kaso.
ADVERTISEMENT
“Nag-file na sila ng counter-affidavit. Late finile ‘yung counter-affidavit, if I am right, but we’re not going to get them on any technicality; we will still consider the counter-affidavit para due process, walang masasabi. We’re considering it. Pag-aaralan namin ang kanilang counter-affidavit, pero ang problema, paano ‘yan kung may questions kami? Nasaan sila?,” ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
Ayon sa impormasyon ng Ombudsman, nasa Paris pa rin umano ang mag-ina, bagamat nakapunta rin sila sa Switzerland.
May 60 araw naman ang Ombudsman para sa preliminary investigation, saka isasailalim na sa resolution ang kaso.

