Posibleng bumalik sa Pilipinas ngayong weekend sina Senators Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano, ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag.
Ito’y matapos kumpirmahin ng Bureau of Immigration (BI) na umalis ng bansa ang magkapatid nitong Miyerkules at wala namang legal na hadlang sa kanilang pagbiyahe.
Ayon kay Matibag, nagpunta umano sa Singapore ang dalawa para magbakasyon.
Aniya, wala siyang nakikitang problema kung bakasyon lamang ang pakay ng biyahe.
Pero hindi maiiwasang magkaroon ng mga tanong o komento ang publiko dahil sa timing ng pag-alis ng mga senador.
ADVERTISEMENT
Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng NBI sa kontrobersyal na Southeast Asian Games (SEA Games) cauldron project ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHIS-GOC), at ang naging papel ni Cayetano rito bilang chairman, kahit hindi siya miyembro ng Board of Directors nito.
“Sana nga nakapag-file tayo pero we had very important witnesses noong Monday and provided us with more documents which give us more documents to review. Ibig sabihin mas maraming oras yung kailangan namin to review it. But there is a findings that there’s a possible double entry of payment to that cauldron,” pahayag ni Matibag.

