Balitang A2Z

Presyo ng ilang produktong petrolyo, posibleng lumampas pa sa P100 kada litro sa susunod na linggo

Posible ang big-time oil price hike sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE). Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, posibleng tumaas ng mahigit…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Posible ang big-time oil price hike sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, posibleng tumaas ng mahigit P4 bawat litro ang gasolina, habang mahigit P2 naman ang iaakyat sa bawat litro ng diesel at kerosene.

Kapag natuloy ang paunang estimate, posibleng umabot sa humigit-kumulang P100 kada litro ang pinakamahal na presyo ng gasolina.

Ayon sa Energy Department, nadadagdagan pa ang pressure sa global oil prices dahil sa lumalalang tensyon sa Red Sea, bukod pa sa mga kaguluhan sa Strait of Hormuz.

ADVERTISEMENT

Inaasahang iaanunsyo naman ng mga oil company ang final price adjustments sa Lunes, matapos maisama ang buong linggong galaw ng international oil prices at peso-dollar exchange rate.

What do you feel about this article?