Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na iginagalang nito ang karapatan sa mapayapang pagtitipon at hindi nito hinahadlangan ang pagpapahayag ng saloobin ng publiko, pero dapat umanong manatiling mapayapa at sumunod sa batas ang mga pagkilos.
Ito’y matapos ang tensyon sa isang lightning rally sa isang hotel sa Bonifacio Global City, Taguig, kung saan idinaraos ang Luzon Economic Corridor Investment Forum, matapos tutulan ang ipinapanukalang Pax Silica Initiative.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co, limang nagprotesta ang dinala sa kustodiya matapos umanong piliting pumasok ng ilan sa lobby ng hotel, habang nasa labing-anim naman ang sugatan.
“The Philippine National constitutional right to peaceful assembly. But as we can see, this is anything but peaceful. Despite repeated warnings from our police officers, the rallyists forced their way in into the lobby of the hotel, which is, by the way, a privately-owned establishment,” pahayag ni Co.
ADVERTISEMENT
Giit ni Co, pribadong establisimyento ang hotel at ilang beses umanong binalaan ng mga pulis ang mga raliyista bago nagkaroon ng komosyon.
Nahaharap ang mga inaresto sa posibleng kasong alarms and scandals, resistance and disobedience at iba pang paglabag.

