Balitang A2Z

PCG, nagpadala ng EOD team sa Coron, Palawan para alamin kung may pagsabog bago nasunog ang M/V June Aster

Nagpadala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) team sa Coron, Palawan para imbestigahan kung may naganap na pagsabog na posibleng nagpasiklab sa sunog sa passenger vessel…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of PCG Helicopter 1452 conducting an aerial inspection of the passenger vessel M/V June Aster

Nagpadala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) team sa Coron, Palawan para imbestigahan kung may naganap na pagsabog na posibleng nagpasiklab sa sunog sa passenger vessel na M/V June Aster.

Sakay ng PCG helicopter 1452 ang mga EOD expert mula sa Special Operations Force para tumulong sa pagsusuri sa sanhi ng insidente.

“Alam naman po natin, ‘yung sa balita po natin about explosion. ‘Yun po yung kailangang i-determine. Kaya kailangan po natin mag-transport ng expert pagdating doon. Naka-configure po ito sa search and rescue. Mayroon po tayong stretcher, and meron tayong gears for our rescue swimmers na naroon na po sa Palawan, naghihintay,” ayon kay Commander Paul Yves Cacanindin, PCG Pilot.

Isa sa mga pangunahing tutukuyin ng imbestigasyon kung totoo ang mga ulat na may narinig o naganap na pagsabog bago o habang nasusunog ang barko.

ADVERTISEMENT

Nagsasagawa rin ng aerial survey sa lugar ng insidente.

What do you feel about this article?