Balitang A2Z

New York City sa USA, ginunita ang ika-25 anibersaryo ng 9/11 attacks

Ginunita ng New York sa USA nitong Biyernes ang ika-25 anibersaryo ng September 11, 2001 terror attacks na pumatay sa halos 3,000 indibidwal. Sa Ground Zero sa Lower Manhattan, binasa…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Ginunita ng New York sa USA nitong Biyernes ang ika-25 anibersaryo ng September 11, 2001 terror attacks na pumatay sa halos 3,000 indibidwal.

Sa Ground Zero sa Lower Manhattan, binasa ng mga pamilya ng mga biktima ang mga pangalan ng mga nasawi, habang pinatunog ang kampana sa mahahalagang oras ng pag-atake.

Dumalo sa seremonya si Vice President JD Vance at ang apat na buhay pang dating US presidents na sina George W. Bush, Bill Clinton, Barack Obama, at Joe Biden.

Wala naman sa New York si President Donald Trump dahil sa Pentagon siya nagbigay-pugay sa mga biktima.

Matatandaang noong 2001, 19 na Al-Qaeda operatives ang nang-hijack ng apat na eroplano.

ADVERTISEMENT

Dalawa ang ibinangga sa Twin Towers ng World Trade Center, isa sa Pentagon, habang bumagsak ang isa pang eroplano malapit sa Shanksville, Pennsylvania, matapos lumaban ang mga pasahero sa mga hijacker.

Ayon sa mga naiwan na pamilya, mahalaga ang pag-alala sa mga biktima para maipasa pa ang kanilang mga kuwento sa susunod na henerasyon.

What do you feel about this article?