Bumaba nang bahagya o humigit-kumulang P0.04 kada kilowatt-hour ang electricity rate ng Meralco ngayong Setyembre.
Ayon sa Meralco, dahil dito, bumaba sa halos P15 kada kilowatt-hour ang overall rate.
Ibig sabihin, makakatipid ng humigit-kumulang P8 sa kabuuang bill ang isang residential customer na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour bawat buwan.
P12 naman sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt-hour.
P16 naman ang matatapyas sa mga kumokonsumo ng umaabot sa 400 kilowatt-hour.
ADVERTISEMENT
Habang nasa P20 naman ang menos sa kumokonsumo ng 500 kilowatt-hour.
Pangunahing dahilan ng pagbaba ang mas mababang ancillary service charges at taxes dahil sa mas mababang singil mula sa reserve market.

