Balitang A2Z

Gilas Pilipinas, napataob ng Bahrain sa Asian Games opener

Bigo ang Gilas Pilipinas na kumpletuhin ang fourth-quarter comeback matapos matalo sa Bahrain, 89-85, sa pagbubukas ng kanilang title defense sa Asian Games nitong Biyernes sa Aichi International Arena. Naiwan…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Bigo ang Gilas Pilipinas na kumpletuhin ang fourth-quarter comeback matapos matalo sa Bahrain, 89-85, sa pagbubukas ng kanilang title defense sa Asian Games nitong Biyernes sa Aichi International Arena.

Naiwan ang Gilas ng 15 points, 76-61, pagpasok ng huling quarter, pero unti-unti itong nakahabol sa pangunguna ni Calvin Oftana.

Nagkaroon pa ng pagkakataon ang Nationals sa final minutes dahil sa ilang turnover ng Bahrain, pero kinapos na sila sa oras para makumpleto ang comeback.

Maaga ring naiwan ng sampung puntos ang Gilas sa first half, pero nakabawi at nanguna pa, 43-41, sa lay-up ni Justine Baltazar.

ADVERTISEMENT

Habang muling bumawi ang Bahrain sa magkakasunod na three-pointers nina Jakarr Sampson at Uros Ilic para kunin ang 49-43 lead sa halftime.

Samantala, susubukan namang bumawi ng Gilas kontra Kazakhstan sa Sabado, alas-sais ng gabi.

What do you feel about this article?