Balitang A2Z

Bagong P60 wage hike sa NCR, inaprubahan ng Regional Wage Board

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR (RTWPB-NCR) ang bagong wage order na magbibigay ng P60 na dagdag-sahod sa mga private sector worker sa Metro Manila, ayon sa Department…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR (RTWPB-NCR) ang bagong wage order na magbibigay ng P60 na dagdag-sahod sa mga private sector worker sa Metro Manila, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Isinumite na sa National Wages and Productivity Commission para sa confirmation ang Wage Order No. 28, na inaprubahan noong September 7 at maaaring magkabisa sa huling bahagi ng buwan.

Ayon naman kay Labor Secretary Francis Tolentino, inilabas ang bagong wage order para mabigyan ng karagdagang kita ang mga manggagawa, habang hindi pa nareresolba ang legal issue sa naunang Wage Order No. 27.

Samantala, nagprotesta naman ang ilang labor groups sa labas ng Manila Hotel nitong Huwebes hinggil sa bagong P60 wage hike sa Metro Manila.

Giit ng mga grupo, mas mababa ang bagong dagdag-sahod.

ADVERTISEMENT

At lalong nagulo ang usapin nang maglabas ang DOLE ng bagong wage order, habang kinuwestiyon din ng mga labor group ang umano’y closed-door meeting tungkol sa wage order at sinabing dapat kasama sa talakayan ang mga manggagawa, dahil sahod nila ang nakataya.

Matatandaang pinigilan ng Pasig Regional Trial Court ang implementasyon ng P85 dagdag-sahod sa NCR sa pamamagitan ng court injunction.

What do you feel about this article?