Humarap na sa media nitong Biyernes ang cast ng “2nd Miracle in Cell No. 7” sa pangunguna nina Aga Muhlach at Jodi Sta. Maria.
Kasama rin sa presscon sina Xia Vigor, Jansen Magpusao, Joel Torre at Mon Confiado, pati ang writer na si Mel Mendoza-Del Rosario at direktor na si Nuel Naval.
Isa sa mga official entry ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026 ang ikalawang libro ng naturang istorya.
Inaasahang muling maghahatid ng matinding emosyon ang bagong kabanata ng “Miracle in Cell No. 7,” na tinampokan din ni Aga sa naunang Filipino adaptation.

