Balitang A2Z

Yeng Constantino, nagdagdag ng “third day” para sa kanyang “Biyaheng Bente” concert sa Araneta

Nagdagdag ng ikatlong show si Pop-Rock Royalty Yeng Constantino para sa kanyang 20th-anniversary concert na “Biyaheng Bente,” matapos ang matagumpay na dalawang sold-out show sa Araneta Coliseum. Sa social media…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Pop-Rock Royalty Yeng Constantino announcing on social media the addition of a third day to her “Biyaheng Bente” concert at the Araneta Coliseum

Nagdagdag ng ikatlong show si Pop-Rock Royalty Yeng Constantino para sa kanyang 20th-anniversary concert na “Biyaheng Bente,” matapos ang matagumpay na dalawang sold-out show sa Araneta Coliseum.

Sa social media post nitong Miyerkules, tinukso ni Yeng ang fans sa mensaheng, “Isa pang pasada sa Araneta?”

Kinumpirmang muli itong gagaganapin sa Big Dome sa November 17 at magsisimula ang ticket selling sa September 30 via TicketNet.

Matatandang successful ang “Biyaheng Bente” concert ni Yeng sa ilalim ng direksyon ni John Prats at musical director Ria Osorio.

ADVERTISEMENT

Samantala, sold out na rin ang dalawang “Biyaheng Bente” birthday concert ni Yeng sa Santa Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna sa December 4 at 6.

Habang dadalhin din ni Yeng ang concert tour sa U-S ngayong September at October.

What do you feel about this article?