Health & ScienceLatest News

Secondhand smoke, sanhi ng halos 1.7-M na pagkamatay sa buong mundo

Tabako pa rin ang nangungunang dahilan ng sakit sa buong mundo. Dahil sa pagkakalanghap ng secondhand smoke, halos 1.7 milyong katao ang nasawi taong 2023, kabilang ang mga bata, sa…

Newslight · · Updated · 1 min read

Tabako pa rin ang nangungunang dahilan ng sakit sa buong mundo.

Dahil sa pagkakalanghap ng secondhand smoke, halos 1.7 milyong katao ang nasawi taong 2023, kabilang ang mga bata, sa higit 2.3 bilyong indibidwal sa mundo na na-expose sa secondhand smoke, batay sa pag-aaral na inilabas ng ‘The Lancet’.

Kabilang ang mga hindi naman naninigarilyo sa tinatayang 8 milyong katao na kinitil ng smoke-related illnesses tatlong taon na ang nakararaan.

Sa naturang saliksik, natagpuang 767 milyon sa mga nakalanghap ng secondhand smoke ay mga bata edad 0 hanggang 14 taong gulang; na nagdulot ng 1.66 million premature deaths at 5.2 million respiratory tract infections sa mga ito.

ADVERTISEMENT

Ang mga taong nabibiktima ay ang nalalantad sa “sidestream” o ang usok na mula sa sinindihang parte ng sigarilyo, maging sa mismong ibinugang usok ng gumagamit nito.

Mga kababaihan naman ang may pinakamalaking bilang ng mga biktima ng secondhand smoke, partikular sa mga lugar na bihira ang kababaihang naninigarilyo. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?