News LightLatest News

Para-athletes ng bansa, dumalo sa anti-doping seminar bago ang 5th Asian Para Games

Dumalo ang mga pinakamahusay na para-athletes ng Pilipinas sa isang anti-doping seminar na isinagawa ng Philippine National Anti-Doping Organization sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Maynila.

Newslight · · 1 min read

Dumalo ang mga pinakamahusay na para-athletes ng Pilipinas sa isang anti-doping seminar na isinagawa ng Philippine National Anti-Doping Organization sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Maynila.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng paghahanda ng pambansang koponan para sa nakatakdang pakikipagpaligsahan sa 5th Asian Para Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Nakiisa sa nasabing aktibidad si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Olivia Coo kasama si Dr. Alejandro V. Pineda Jr., na nagtalakay sa mga detalye ng anti-doping program para sa continental games.

Mainit namang tinanggap ng Philippine Paralympic Committee ang mga kalahok at nagbigay ng briefing tungkol sa mga paghahanda para sa palaro.

ADVERTISEMENT

Layunin ng seminar na palakasin ang kaalaman ng mga atleta, coach, at sports leaders tungkol sa malinis na pakikipagkompetensya at katapatan sa sports.

Sa pamamagitan nito, tinitiyak ng mga opisyal na ire-representa ng mga para-athlete ang bansa nang may integridad, dangal, at karangalan sa entablado ng Asya. (Benedict Quejado/News Light)

What do you feel about this article?