Balitang A2Z

Endangered brown booby, unang naitala sa Aurora

Nasagip at muling pinakawalan sa kalikasan sa Dilasag, Aurora ang isang endangered brown booby o Sula leucogaster, matapos ang kauna-unahang documented sighting nito sa probinsiya. Ayon sa Department of Environment…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of the endangered Brown Booby, recorded for the first time in Aurora

Nasagip at muling pinakawalan sa kalikasan sa Dilasag, Aurora ang isang endangered brown booby o Sula leucogaster, matapos ang kauna-unahang documented sighting nito sa probinsiya.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), natagpuan ng isang residente ang ibon sa baybayin ng Barangay Masagana, habang nahihirapan umano itong lumipad.

Agad itong inireport sa mga otoridad at kalaunan ay itinurn over sa DENR Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Casiguran para sa assessment.

Batay sa pagsusuri ng mga wildlife enforcement officer, nasa maayos na kondisyon ang ibon at walang nakitang pinsala o senyales ng matinding distress.

ADVERTISEMENT

Hinikayat naman ng ahensya ang publiko na agad ireport sa DENR o local authorities ang mga wildlife na natatagpuan sa labas ng karaniwang habitat ng mga ito.

Nakalista bilang nanganganib na hayop ang brown booby, kaya protektado ito ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

What do you feel about this article?