Balitang A2Z

DOJ, nanawagan sa ibang bansa na huwag gamitin kanlungan ng mga Pilipinong pinaghahanap ng batas ang asylum system

Nanawagan si Department of Justice (DOJ) Secretary Fredderick Vida sa ibang bansa na maging maingat sa pagbibigay ng asylum sa mga Pilipinong pinaghahanap ng batas para hindi umano maabuso ang…

BALITANG A2Z · · Updated · 2 min read

Photo of DOJ Secretary Fredderick Vida (left), former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co (mid), and former presidential spokesperson Atty. Harry Roque (right)

Nanawagan si Department of Justice (DOJ) Secretary Fredderick Vida sa ibang bansa na maging maingat sa pagbibigay ng asylum sa mga Pilipinong pinaghahanap ng batas para hindi umano maabuso ang sistema.

Kabilang sa mga binanggit ni Vida sina dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, na kabilang sa maanomalyang flood control projects, at dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque, na may kaso kaugnay ng umano’y paglabag sa Anti-Trafficking Law na iniuugnay sa illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operations, at iniuulat na humihingi ng asylum sa ibang bansa.

“Pareho naman tayo, dito ayaw namin ng kurapsyon, ayaw nyo ng kurapsyon, huwag nyong payagan na yung sistema o yung option na mag-apply ng asylum ay pamamaraan para makapagtago sa pananagutan,” pahayag ni Vida.

Ayon kay Vida, hindi dapat maging kanlungan ng mga pugante ang ibang bansa, at hindi dapat gamitin ang asylum para makaiwas sa pananagutan sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Base sa United Nations Convention Against Corruption, inaatasan nito ang mga member state na masusing suriin ang mga asylum application na maaaring may kaugnayan sa mga kaso ng korapsyon.

Pero aminado si Vida na komplikado ang pagtutol ng pamahalaan sa isang asylum application dahil maaaring gamitin mismo ng aplikante ang pagkilos ng gobyerno para palakasin ang pangangatwirang siya ay politically-persecuted.

What do you feel about this article?