Tinawag ni Kapuso star Barbie Forteza na parang araw-araw na masterclass ang karanasan niyang makatrabaho si Megastar Sharon Cuneta sa paparating na drama series na “Honor Thy Mother.”
Sa media conference nitong Martes, inamin ni Barbie na akala niya noong una ay magiging mahigpit si Sharon dahil sa status nito bilang isa sa pinakakilalang artista sa bansa.
Pero aniya, nagulat siya sa pagiging collaborative, humble, generous at giving ng Megastar sa set.
Sinuklian naman ni Sharon ang papuri at tinawag si Barbie na isa sa pinakamagaling na artistang nakatrabaho niya.
Ayon pa kay Cuneta, malayo pa ang mararating ni Barbie dahil hindi lang talento ang taglay nito kundi pati humility, professionalism at magandang attitude.
ADVERTISEMENT
Sa series, gagampanan ni Sharon ang papel ni Diana Aragon, isang matatag at mas malamig na karakter na hinubog ng mga pinagdaanan sa buhay.
Mapapanood ang premiere ng “Honor Thy Mother” sa September 11 sa Prime Video.

