News LightLatest News

Bagong National Artists, inanunsyo na; Kauna-unahang babaeng National Artist for Visual Arts, kinilala

Sa ilalim ng Proclamation No. 1414, Series of 2026, ipinroklama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sampung bagong Pambansang Alagad ng Sining.

Carlene Latuna · · 1 min read

Pinangalanan na ang mga bagong National Artists ng bansa, ang pinakamalaking batch ng awardees simula nang itinatag ang pagkilala noong 1972.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1414, Series of 2026, ipinroklama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sampung bagong Pambansang Alagad ng Sining. Kabilang dito sina:

  • Gabby Formoso sa Architecture
  • Nonoy Froilan sa Dance
  • Patis Tesoro sa Fashion
  • Armando ‘Bing’ Lao sa Film and Broadcast Arts
  • Gregorio Brillantes sa Literature
  • Nicanor Tiongson sa Literature
  • Fred Buenaventura sa Music
  • Teddy Hilado sa Theater
  • Imelda Cajipec-Endaya sa Visual Arts
  • Nunelucio Alvarado sa Visual Arts

Isa ring kasaysayan ang naganap nang pangalanan bilang kauna-unahang babaeng Pambansang Alagad ng Sining sa Visual Arts si Cajipec-Endaya, na isa rin sa nanguna para sa feminist art sa bansa.

Bukod sa gold-plated medallion na igagawad sa mga National Artist, nakatanggap rin sila ng cash award, panghabambuhay na monthly stipend, life insurance, state funeral benefits, at iba pa.

What do you feel about this article?