Balitang A2Z

5 patay, 87 nawawala matapos masunog ang ferry malapit sa Coron, Palawan

Hindi bababa sa lima ang kumpirmadong nasawi, habang higit 40 ang nasagip matapos masunog ang isang ferry sa karagatan malapit sa Coron Island, Palawan, Miyerkules ng gabi. Ayon sa Philippine…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Photo of ferry MV June Aster that caught fire near the waters off Coron Island, Palawan, on Wednesday night

Hindi bababa sa lima ang kumpirmadong nasawi, habang higit 40 ang nasagip matapos masunog ang isang ferry sa karagatan malapit sa Coron Island, Palawan, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), may sakay na 117 pasahero at 17 crew members ang MV June Aster nang umalis ito sa Port of Manila patungong Coron.

Hindi pa malinaw kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Mabilis namang rumesponde ang ilang mangingisda sa lugar at tumulong sa pagsagip sa mga pasahero.

ADVERTISEMENT

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemi Cayabyab, mahigit 80 pa ang hindi natutunton.

Pansamantalang dinala sa isang covered court sa Barangay Turda, Coron ang mga nasagip, habang patuloy ang search and rescue operations para sa mga nawawala, maging ang imbestigasyon.

What do you feel about this article?