Hindi bababa sa lima ang kumpirmadong nasawi, habang higit 40 ang nasagip matapos masunog ang isang ferry sa karagatan malapit sa Coron Island, Palawan, Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), may sakay na 117 pasahero at 17 crew members ang M/V June Aster nang umalis ito sa Port of Manila patungong Coron.
Hindi pa malinaw kung ano ang pinagmulan ng sunog. Mabilis namang rumesponde ang ilang mangingisda sa lugar at tumulong sa pagsagip sa mga pasahero.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemi Cayabyab, mahigit 80 pa ang hindi natutunton.
ADVERTISEMENT
Pansamantalang dinala sa isang covered court sa Barangay Turda, Coron ang mga nasagip, habang patuloy naman ang imbestigasyon at search and rescue operations para sa mga nawawala.

