Balitang A2Z

Pilipinas, umangat sa 2025 rankings; math, reading, at science skills ng mga mag-aaral, nag-improve na

Kung dati ay kabilang sa 10 bansang pinaka-kulelat o naiiwan sa mundo, nakabawi na ngayon ang mga estudyanteng Pilipino sa pinakahuling Programme for International Student Assessment (PISA). Ayon sa PISA,…

Barbie Muhlach · · Updated · 1 min read

Photo of President Ferdinand Marcos Jr. and Philippines' 2025 PISA rankings

Kung dati ay kabilang sa 10 bansang pinaka-kulelat o naiiwan sa mundo, nakabawi na ngayon ang mga estudyanteng Pilipino sa pinakahuling Programme for International Student Assessment (PISA).

Ayon sa PISA, tumaas ang pwesto ng Pilipinas sa 2025 PISA rankings pagdating sa kaalaman sa reading, math, at science.

Ito ang programa na sumisiyasat kung gaano kaepektibo o kahirap ang educational systems sa buong mundo.

“Nakalagay dito, The Philippines is one of few educ systems improving across all domains, considered one of fastest growing educ levels globally. Ipagpapatuloy natin lahat ng ating ginagawa. Nagsisimula pa lang tayo,” ayon sa Pangulo.

ADVERTISEMENT

Ito na ang pinakamalakas na standing ng Pilipinas sa PISA, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sa video message, masayang binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malaking improvement, habang tiniyak na magtutuloy-tuloy ang pagtutok ng administrasyon sa naturang sektor.

What do you feel about this article?