Balitang A2Z

MMDA GM Nicolas Torre, nag-leave ng isang buwan matapos ang EDSA Busway controversy

Nag-volunteer na mag-leave of absence si Metropolitan Manila Development Authority MMDA General Manager Nicolas Torre III matapos ang kontrobersiya sa isang MMDA-marked SUV na gumamit ng EDSA Busway. Ayon kay…

BALITANG A2Z · · 2 min read

Photo of MMDA General Manager Nicolas Torre III (left) and MMDA Chairman Romando Artes (right)

Nag-volunteer na mag-leave of absence si Metropolitan Manila Development Authority MMDA General Manager Nicolas Torre III matapos ang kontrobersiya sa isang MMDA-marked SUV na gumamit ng EDSA Busway.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Don Artes, una umanong humiling si Torre ng dalawang linggong leave, pero pinalawig ito sa isang buwan para mabigyan siya ng panahong pag-isipan ang kanyang mga susunod na hakbang.

Sinabi ni Artes na nagbanggit din si Torre ng posibleng pagreretiro sa public service, pero pinayuhan niya itong huwag magmadali sa desisyon.

“Wala po akong disciplinary authority over General Torre dahil siya po ay Presidential appointee. Ang meron lang po ako ay authority to suspend pursuant to an administrative investigation. Since LTO na nga ang nag-iimbestiga sa kanya, wala pong reason para i-suspend ko pa siya. Di naman na absolve si General Torre ng any punishment just like any other motorist whether government official o hindi. Same punishment din naman eh. Pinagmulta. So hindi pwedeng sabihin na may special treatment,” ayon kay Artes.

Kinumpirma rin ni Artes na hindi authorized ng MMDA ang mga marking at blinker na nakakabit sa private SUV ni Torre.

ADVERTISEMENT

Umapela rin si Artes sa publiko na huwag husgahan si Torre batay lamang sa isang insidente at sinabing mahalaga ang matuto sa pagkakamali.

Samantala, naghahanap na ang MMDA ng officer-in-charge habang naka-leave si Torre.

What do you feel about this article?