Balik sa government service si dating Senator at boxing icon Manny Pacquiao matapos italaga bilang lead convenor at secretary ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).
Nanumpa si Pacquiao kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang nitong Martes, kasama si Cabinet Secretary Benhur Abalos.
Pinalitan ni Pacquiao si Lope Santos III sa puwesto.
Ang NAPC ang nagsisilbing coordinating at advisory body ng pamahalaan para sa mga programa laban sa kahirapan.
Kabilang sa tungkulin nito ang pag-uugnay ng poverty-alleviation programs ng national at local governments at private sector, pagmo-monitor sa implementasyon ng mga ito at pagrekomenda ng mga polisiya.
ADVERTISEMENT
Ito ang unang government post ni Pacquiao mula nang matapos ang kanyang Senate term noong Hunyo 2022.
Matatandaang tumakbo siyang Pangulo noong 2022 at nagtapos sa ikatlong puwesto, habang nabigo naman siyang makabalik sa Senado sa 2025 midterm elections.

